Thursday, March 11, 2010

Ang napapala kapag pinalitan ng Globe and Smart

Noong nakaraang martes, napag-isip isip ko na palitan muna ng GLOBE si SMART -- dahil may Globe na ang aking boypren (na nagpaliwanag pa na kailangan nya makapagsubscribe sa lahat ng networks para macontact and kanyang mga client ) at upang magkaroon ako ng pagkakataon na makatext ang aking lifetime crush ( na kinwento ko pa sa aking bf na akala naman nya ay joke lng).

At ang joke ay naging joke nga -- di nagreply ang crush ko na dati rati naman ay matyagang nagtetext sakin kahit Globe sya at Smart ako. Dahil sa sayang naman ang Unli,nag-gm na lang ako sa mga naka-save na mga Globe number ko kahit alam kong baka konti lang ang nagreply dahil nag-iba na pala sila ng digits.

Nagsireplyan naman sila ng " Sinong Ailyn?" at nalaman kong di naman pala unique ang name ko at ang spelling nito. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay may nagreply ng " Bhez, nagpalit ka na ba ng number?" Siya ang bestfriend ko nung highschool. Akala ko may pag-asa pang maging unique ang name ko, wala lang pala syang kilalang iba na ganito ang spelling.

At nagkamustahan kami, ngunit ibinungad niya kagad na magkita kami bukas sa labas ng skul nila. Excited? Malapit na mag-4 pm - ang usapan naming oras ngunit busy-busyhan pa rin ako sa pagsusulat ng inihahabol na assignment before 5 pm.

At yun na nga. Nakalimutan ko syang itext! 5 pm na ng sabihin kong di na ako makakapunta at bukas na lang kami magkita. Ang inaasahan ko ay magagalit sya dahil naghintay sya ng isang oras. Pero hindi, ang text nya, " Ok lang, bukas hah?"

Dumating ang huwebes at isinama ko pa ang aking close friend para makipagkita kay Kai.

Nakarating kami ni Jean at ipinakilala ko sya kay Kai na kasama ang kanyang bf. Tumabi ako sa kanya at nagsabing, " O, kamusta na?" Ang sabi nya, " Eto ok lang." Parang text lang. Hinintay ko na magkwento sya, pero nagtanong lang sya kung bakit pumayat ako nang ganito at sinabing, "Saglit lang, May pakikilala ako sa'yo." Shocks, di ba niya alam na may bf ako? Pero sana gwapo.

Pinakilala nya si Up-Jr sakin, muka syang isa sa fan ng F4 na kung makakindat ay parang gwapo. Ok, sige na nga. Tapos nakipag-shake hands at hinawi ang kanyang mahabang bangs. " Punta tayo sa taas," ang sabi ni Kai na may kabuntot na bf. " Sali kayo sa samahan ng magaganda, pero bawal ang may contacts eh." Sabay tawa kay Jean.

Nung umaakyat na kami sa hagdanan, napabulong na ako kay Jean na, " Parang alam ko na to ah. Galing na ko dito eh." Pero tumuloy pa rin naman kami sa isang kwarto na puting puti ang pader. Gusto kong basahin ang isip ni Jean, dahil kami naman ay B1 at B2, pinalagay ko na lang na naiisip niya rin ang naiisip ko. Hindi pala, ang akala nya pala ay sasali kami ng Frat.

At tumatama na nga ko, may nakapaskil na products sa pader at may video ng taong maraming pera. At may mukang tangang nagnonosebleed sa screen. Binulungan ko si Kai na, " Sa totoo lang, alam ko na to eh." At parang nadiscourage ang mukha nya.

Nakalimutan ko ulit! Pinapauwi pala ako ng 6 pm, dahil aalis ang mga nasa bahay. Sinabihan ko si Kai na, kailangan ko ng umuwi ng ganung oras. Ang sabi niya lang na parang natutuliro, " Oo saglit lang to, di naman to aabutin ng 3 oras." At pinalagay ko nga na joke lang na di aabutin ng 3 oras.

Kumuha ng folding white board table (kung anumang tawag doon) itong si Jr, at nagsimulang maglecture. Tinanong ang pangarap namin, bahay, kotse, savings, at nagcompute. Ang galing ng talent nya, baliktad kung magsulat pero natatawa ko pag nagkakamali sya. Tapos nag-offer na sila ng kanilang business.

Inabot nga ng 3 oras. Bumaba na kami, at tinanong ko kung kumikita na si Kai, ang sabi niya, " Oo, nakakuha na kami ng cheque, sa katapusan ng month."

Kelangan daw ng capital, pero dahil wala daw kaming ganung kalaking pera sa bulsa, papautangin daw kami ng halos 2/3 ng buong payment. Binigyan kami ng palugit na 5 days. Ayun parang gusto kong sumabay sa pangungumbinsi nila. May mga kotse sa labas, at nagmamay-ari daw ay mga estudyante na 18 at 19 years old. Ok Ok.

At may panibago na naman na pinakilala, pandagdag din sa circle of friends. Siya si Em, na kumikita ng malaki sa kanila. 19 na sya at napakabilis magsalita. "Kung gano kabilis ang pagsasalita ko - ganun din ang kita ko." At talaga nga namang nakakapangumbinsi dahil parang logical ang mga pinagsasabi niya. " Kung may doubt ka, e di magresearch ka. Ganito ang isang taong kumakatok sa pinto (pumalakpak sya imbis na kumatok), at ganito naman ang pagkatok ng opportunity (walang tunog na palakpak). At salamat naman, nakipagshakehands na sya.

Ayun patay na patay na. Ang 6pm ay naging 9pm.

Pero napa-isip pa rin ako habang nasa jeep pauwi. Ang tungkol sa lecture.

Sige. Bibigay ko muna si THRUST at aalisin ko muna si PRIDE at DOUBT para kay MONEY. Naisip ko naman na bestfriend ko na ang nagsabi kahit nakapakinig na ko ng ganito.

Pero dahil sa may Thrust Condoms ay inihambing ko na lang ito sa pagtitiwala sa mga lalaki, Pride na pakakawalan ko sa paglalako ng Pride na sabong bareta , pag-aalis ng Doubt sa pagboto ng kung sino mang politiko - at pagkain ng masarap na Chocolate Money na lasa naman Hani.



(itutuloy...)